Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 34)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 34

وَمَا لَهُمْ أَلَّا يُعَذِّبَهُمُ اللَّهُ وَهُمْ يَصُدُّونَ عَنِ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ وَمَا كَانُوا أَوْلِيَاءَهُ ۚ إِنْ أَوْلِيَاؤُهُ إِلَّا الْمُتَّقُونَ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ 34 ٣٤

Ano ang mayroon sa kanila na hindi magparusa sa kanila si Allāh samantalang sila ay sumasagabal sa Masjid na Pinakababanal at sila ay hindi naging mga katangkilik Niya? Walang iba ang mga katangkilik Niya kundi ang mga tagapangilag magkasala, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. (34)

Tafsīr
Aling bagay ang pumipigil sa pagdurusa nila samantalang nakagawa nga sila ng nag-oobliga sa pagdurusa nila dahil sa pagpigil nila sa mga tao sa Masjid na Pinakababanal na magsagawa ng ṭawāf doon o magdasal doon? Ang mga tagapagtambal ay hindi naging mga katangkilik ni Allāh sapagkat walang iba ang mga katangkilik ni Allāh kundi ang mga tagapangilag magkasala, na nangingilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-utos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, subalit ang higit na marami sa mga tagapagtambal ay hindi nakaaalam nang nag-angkin sila na sila raw ay mga katangkilik Niya gayon sila naman ay hindi mga katangkilik Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba