Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 37)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 37

لِيَمِيزَ اللَّهُ الْخَبِيثَ مِنَ الطَّيِّبِ وَيَجْعَلَ الْخَبِيثَ بَعْضَهُ عَلَىٰ بَعْضٍ فَيَرْكُمَهُ جَمِيعًا فَيَجْعَلَهُ فِي جَهَنَّمَ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ 37 ٣٧

upang magbukod si Allāh sa karima-rimarin mula sa kaaya-aya at maglagay Siya sa karima-rimarim – ang ilan sa mga iyon ay nasa ibabaw ng iba – para magtumpok Siya nito nang lahatan para maglagay Siya nito sa Impiyerno. Ang mga iyon ay ang mga lugi. (37)

Tafsīr
Aakayin ang mga tagatangging sumampalatayang ito na gumugugol ng mga yaman nila para sa pagsagabal sa landas ni Allāh tungo sa Apoy ng Impiyerno upang ihiwalay ni Allāh ang karima-rimarin na pangkat ng mga tagatangging sumampalataya sa kaaya-ayang pangkat ng mga mananampalataya at upang maglagay Siya sa karima-rimarim na mga tao, mga gawain, at mga yaman – ang ilan sa mga iyon ay nasa ibabaw ng iba na nagkapatung-patong – para maglagay Siya sa mga iyon sa Apoy ng Impiyerno. Ang mga iyon ay ang mga lugi dahil sila ay nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba