Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 38)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo sa mga tumangging sumampalataya na kung titigil sila ay magpapatawad sa kanila sa anumang nakalipas na at kung manunumbalik sila [sa dati] ay nagdaan na ang kalakaran sa mga sinauna. (38)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya kabilang sa mga kababayan mo na kung magpipigil sila sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at sa Sugo Niya at sa pagsagabal nila sa landas ni Allāh sa sinumang sumampalataya sa Kanya, magpapatawad si Allāh sa kanila sa anumang nauna na sa mga pagkakasala nila sapagkat ang Islām ay nagwawasak sa nauna roon; at kung manunumbalik sila sa kawalang-pananampalataya nila, nauna na ang kalakaran ni Allāh sa mga sinauna: na sila, kapag nagpasinungaling sila at nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya, ay mamadaliin sa kaparusahan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: