Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 40)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 40

وَإِنْ تَوَلَّوْا فَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ مَوْلَاكُمْ ۚ نِعْمَ الْمَوْلَىٰ وَنِعْمَ النَّصِيرُ 40 ٤٠

Kung tatalikod sila [sa utos sa kanila], alamin ninyo na si Allāh ay Pinagpapatangkilikan ninyo. Kay inam na Pinagpapatangkilikan at kay inam na Mapag-adya. (40)

Tafsīr
Kung babaling sila palayo sa ipinag-utos sa kanila na pagtigil sa kawalang-pananampalataya at pagsagabal sa landas ni Allāh ay tiyakin ninyo, O mga mananampalataya, na si Allāh ay Tagaadya ninyo laban sa kanila. Kay inam na Tagatangkilik para sa sinumang nakipagtangkilikan Siya at kay inam na Tagaadya para sa sinumang inadya Niya. Ang sinumang tinangkilik Niya ay magtatagumpay at ang sinumang iniadya Niya ay magwawagi.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba