Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 43)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong ipinakikita sa iyo sila ni Allāh sa pananaginip mo bilang kaunti; at kung sakaling ipinakita Niya sa iyo sila na marami ay talaga sanang naduwag kayo at talaga sanang naghidwaan kayo sa usapin, subalit si Allāh ay nagpaligtas sa inyo. Tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib. (43)
Tafsīr
Bumanggit ka, O Sugo, ng ilan sa mga biyaya ni Allāh sa iyo at sa mga mananampalataya noong ipinakita sa iyo ni Allāh sa pananaginip mo na ang mga tagapagtambal ay kaunti ang bilang saka nagpabatid ka sa mga mananampalataya niyon kaya ikinagalak nila iyon bilang mabuti. Lumakas ang mga pagtitika nila sa pakikipagkita sa kaaway nila at pakikipaglaban dito. Kung sakaling Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagpakita sa iyo sa panaginip mo na ang mga tagapagtambal ay marami, talaga sanang humina ang mga pagtitika ng mga Kasamahan mo at nangamba sila sa pakikipaglaban, subalit Siya ay nagligtas laban doon kaya napangalagaan Niya sila laban sa pagkabigo. Pinangaunti Niya ang mga iyon sa mata ng Sugo Niya – basbasan Niya ito at pangalagaan. Tunay na Siya ay Maalam sa itinatago ng mga puso at sa ikinukubli ng mga kaluluwa.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: