Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 43 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 43 sa 75 • Tagalog


إِذْ يُرِيكَهُمُ اللَّهُ فِي مَنَامِكَ قَلِيلًا ۖ وَلَوْ أَرَاكَهُمْ كَثِيرًا لَفَشِلْتُمْ وَلَتَنَازَعْتُمْ فِي الْأَمْرِ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ سَلَّمَ ۗ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ 43
Pagsasalin:
[Banggitin] noong ipinakikita sa iyo sila ni Allāh sa pananaginip mo bilang kaunti; at kung sakaling ipinakita Niya sa iyo sila na marami ay talaga sanang naduwag kayo at talaga sanang naghidwaan kayo sa usapin, subalit si Allāh ay nagpaligtas sa inyo. Tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib. Al-Anfāl 8:43
Tafsīr:
Bumanggit ka, O Sugo, ng ilan sa mga biyaya ni Allāh sa iyo at sa mga mananampalataya noong ipinakita sa iyo ni Allāh sa pananaginip mo na ang mga tagapagtambal ay kaunti ang bilang saka nagpabatid ka sa mga mananampalataya niyon kaya ikinagalak nila iyon bilang mabuti. Lumakas ang mga pagtitika nila sa pakikipagkita sa kaaway nila at pakikipaglaban dito. Kung sakaling Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagpakita sa iyo sa panaginip mo na ang mga tagapagtambal ay marami, talaga sanang humina ang mga pagtitika ng mga Kasamahan mo at nangamba sila sa pakikipaglaban, subalit Siya ay nagligtas laban doon kaya napangalagaan Niya sila laban sa pagkabigo. Pinangaunti Niya ang mga iyon sa mata ng Sugo Niya – basbasan Niya ito at pangalagaan. Tunay na Siya ay Maalam sa itinatago ng mga puso at sa ikinukubli ng mga kaluluwa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 42 Susunod Al-Anfāl • Talata 44