Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 44 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 44 sa 75 • Tagalog


وَإِذْ يُرِيكُمُوهُمْ إِذِ الْتَقَيْتُمْ فِي أَعْيُنِكُمْ قَلِيلًا وَيُقَلِّلُكُمْ فِي أَعْيُنِهِمْ لِيَقْضِيَ اللَّهُ أَمْرًا كَانَ مَفْعُولًا ۗ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ 44
Pagsasalin:
[Banggitin] noong ipinakita Niya sa inyo sila, noong nagkita kayo, sa mga mata ninyo bilang kaunti at pinangangaunti Niya kayo sa mga mata nila upang magpatupad si Allāh ng isang bagay na mangyayaring gagawin. Tungo kay Allāh pababalikin ang mga usapin. Al-Anfāl 8:44
Tafsīr:
Banggitin ninyo, O mga mananampalataya, noong ipinakikita sa inyo ni Allāh na kakaunti ang mga tagapagtambal nang nakipagkita kayo sa kanila. Nagpalakas-loob Siya sa inyo sa pangangahas sa pakikipaglaban sa kanila. Nagpakaunti Siya sa inyo sa mga mata nila kaya sumulong sila sa pakikipaglaban sa inyo at hindi sila nag-iisip-isip sa pag-urong, upang magpatupad si Allāh ng isang bagay na mangyayaring gagawin: ang paghihiganti sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag at ang pagbiyaya sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagwawagi at pananagumpay sa mga kaaway. Tungo kay Allāh lamang pababalikin ang mga usapin, saka gaganti Siya sa tagagawa ng masagwa sa paggawa nito ng masagwa at sa tagagawa ng maganda sa paggawa nito ng maganda.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 43 Susunod Al-Anfāl • Talata 45