Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 44)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong ipinakita Niya sa inyo sila, noong nagkita kayo, sa mga mata ninyo bilang kaunti at pinangangaunti Niya kayo sa mga mata nila upang magpatupad si Allāh ng isang bagay na mangyayaring gagawin. Tungo kay Allāh pababalikin ang mga usapin. (44)
Tafsīr
Banggitin ninyo, O mga mananampalataya, noong ipinakikita sa inyo ni Allāh na kakaunti ang mga tagapagtambal nang nakipagkita kayo sa kanila. Nagpalakas-loob Siya sa inyo sa pangangahas sa pakikipaglaban sa kanila. Nagpakaunti Siya sa inyo sa mga mata nila kaya sumulong sila sa pakikipaglaban sa inyo at hindi sila nag-iisip-isip sa pag-urong, upang magpatupad si Allāh ng isang bagay na mangyayaring gagawin: ang paghihiganti sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag at ang pagbiyaya sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagwawagi at pananagumpay sa mga kaaway. Tungo kay Allāh lamang pababalikin ang mga usapin, saka gaganti Siya sa tagagawa ng masagwa sa paggawa nito ng masagwa at sa tagagawa ng maganda sa paggawa nito ng maganda.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: