Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 46)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, huwag kayong maghidwaan para maduwag kayo at maalis ang lakas ninyo, at magtiis kayo. Tunay na si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis. (46)
Tafsīr
Manatili kayo sa pagtalima kay Allāh at pagtalima sa Sugo Niya sa mga sinasabi ninyo, mga ginagawa ninyo, at lahat ng mga kalagayan ninyo. Huwag kayong magkaiba-iba sa pananaw sapagkat ang pagkakaiba-iba ay isang kadahilanan ng paghina ninyo, pagkaduwag ninyo, at pagkawala ng lakas ninyo. Magtiis kayo sa sandali ng pakikipagkita sa kaaway ninyo. Tunay na si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis sa pamamagitan ng pag-aadya, pag-alalay, at tulong. Ang sinumang si Allāh ay kasama sa kanya, siya ay ang mananaig at ang magwawagi nang walang pasubali.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: