Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 52)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 52

كَدَأْبِ آلِ فِرْعَوْنَ ۙ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَفَرُوا بِآيَاتِ اللَّهِ فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ بِذُنُوبِهِمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ قَوِيٌّ شَدِيدُ الْعِقَابِ 52 ٥٢

Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga bago pa nila, tumanggi silang sumampalataya sa mga tanda ni Allāh kaya dumaklot sa kanila si Allāh dahil sa mga pagkakasala nila. Tunay na si Allāh ay Malakas, matindi ang parusa. (52)

Tafsīr
Ang pagdurusang bumababa na ito sa mga tagatangging sumampalatayang ito ay hindi natatangi sa kanila. Bagkus ito ay kalakaran ni Allāh na ipinatutupad Niya sa mga tagatangging sumampalataya sa bawat panahon at lugar sapagkat tumama na ito sa mga kampon ni Paraon at mga kalipunan bago pa nila nang tumanggi silang sumampalataya kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya dumaklot si Allāh sa kanila dahilan sa mga pagkakasala nila ayon sa pagdaklot ng isang makapangyarihang kumakaya sapagkat nagpababa Siya sa kanila ng parusa Niya. Tunay na si Allāh ay Malakas: walang nakagagapi ni nakadadaig, matindi ang parusa sa sinumang sumuway sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba