Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 52 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 52 sa 75 • Tagalog


كَدَأْبِ آلِ فِرْعَوْنَ ۙ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَفَرُوا بِآيَاتِ اللَّهِ فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ بِذُنُوبِهِمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ قَوِيٌّ شَدِيدُ الْعِقَابِ 52
Pagsasalin:
Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga bago pa nila, tumanggi silang sumampalataya sa mga tanda ni Allāh kaya dumaklot sa kanila si Allāh dahil sa mga pagkakasala nila. Tunay na si Allāh ay Malakas, matindi ang parusa. Al-Anfāl 8:52
Tafsīr:
Ang pagdurusang bumababa na ito sa mga tagatangging sumampalatayang ito ay hindi natatangi sa kanila. Bagkus ito ay kalakaran ni Allāh na ipinatutupad Niya sa mga tagatangging sumampalataya sa bawat panahon at lugar sapagkat tumama na ito sa mga kampon ni Paraon at mga kalipunan bago pa nila nang tumanggi silang sumampalataya kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya dumaklot si Allāh sa kanila dahilan sa mga pagkakasala nila ayon sa pagdaklot ng isang makapangyarihang kumakaya sapagkat nagpababa Siya sa kanila ng parusa Niya. Tunay na si Allāh ay Malakas: walang nakagagapi ni nakadadaig, matindi ang parusa sa sinumang sumuway sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 51 Susunod Al-Anfāl • Talata 53