Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 53 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 53 sa 75 • Tagalog


ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ لَمْ يَكُ مُغَيِّرًا نِعْمَةً أَنْعَمَهَا عَلَىٰ قَوْمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُوا مَا بِأَنْفُسِهِمْ ۙ وَأَنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌ 53
Pagsasalin:
Iyon ay dahil na si Allāh ay hindi nangyaring nag-iiba sa isang biyayang ibiniyaya Niya sa mga tao hanggang sa mag-iba sila ng nasa mga sarili nila, at na si Allāh ay Madinigin, Maalam. Al-Anfāl 8:53
Tafsīr:
Ang parusang matinding iyon ay dahilan na si Allāh, kapag nagbiyaya Siya sa mga tao ng isang biyayang mula sa ganang Kanya, ay hindi nag-aalis nito sa kanila hanggang sa mag-iba sila ng mga sarili nila mula sa kalagayang kaaya-aya, gaya ng pananampalataya, pagpapakatuwid, at pagpapasalamat, patungo sa kalagayang masagwa, gaya ng kawalang-pananampalataya kay Allāh, pagsuway sa Kanya, at pagtangging magpasalamat sa mga biyaya Niya. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Maaalam sa mga ginagawa nila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 52 Susunod Al-Anfāl • Talata 54