Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 54 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 54 sa 75 • Tagalog


كَدَأْبِ آلِ فِرْعَوْنَ ۙ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَذَّبُوا بِآيَاتِ رَبِّهِمْ فَأَهْلَكْنَاهُمْ بِذُنُوبِهِمْ وَأَغْرَقْنَا آلَ فِرْعَوْنَ ۚ وَكُلٌّ كَانُوا ظَالِمِينَ 54
Pagsasalin:
Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga bago pa nila, nagpasinungaling sila sa mga tanda ng Panginoon nila kaya nagpahamak Kami sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila at lumunod Kami sa mga kampon ni Paraon. Lahat sila noon ay mga tagalabag sa katarungan. Al-Anfāl 8:54
Tafsīr:
Ang lagay ng mga tagatangging sumampalatayang ito ay gaya ng lagay ng iba pa sa kanila kabilang sa tumangging sumampalataya kay Allāh tulad ng mga kampon ni Paraon at mga kalipunang tagapasinungaling bago pa nila. Nagpasinungaling sila sa mga tanda ng Panginoon nila kaya nagpahamak Siya sa kanila dahilan sa nagawa nila na mga pagsuway. Nagpahamak si Allāh sa mga kampon ni Paraon sa pamamagitan ng pagkalunod sa dagat. Bawat isa sa mga kampon ni Paraon at mga kalipunan bago pa nila ay dating mga tagalabag sa katarungan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagtatambal nila sa Kanya kaya naging kinakailangan sa kanila dahil doon ang parusa Niya – kaluwalhatian sa Kanya – kaya naman pinangyari Niya iyon sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 53 Susunod Al-Anfāl • Talata 55