Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 53)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 53

ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ لَمْ يَكُ مُغَيِّرًا نِعْمَةً أَنْعَمَهَا عَلَىٰ قَوْمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُوا مَا بِأَنْفُسِهِمْ ۙ وَأَنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌ 53 ٥٣

Iyon ay dahil na si Allāh ay hindi nangyaring nag-iiba sa isang biyayang ibiniyaya Niya sa mga tao hanggang sa mag-iba sila ng nasa mga sarili nila, at na si Allāh ay Madinigin, Maalam. (53)

Tafsīr
Ang parusang matinding iyon ay dahilan na si Allāh, kapag nagbiyaya Siya sa mga tao ng isang biyayang mula sa ganang Kanya, ay hindi nag-aalis nito sa kanila hanggang sa mag-iba sila ng mga sarili nila mula sa kalagayang kaaya-aya, gaya ng pananampalataya, pagpapakatuwid, at pagpapasalamat, patungo sa kalagayang masagwa, gaya ng kawalang-pananampalataya kay Allāh, pagsuway sa Kanya, at pagtangging magpasalamat sa mga biyaya Niya. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Maaalam sa mga ginagawa nila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba