Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 54)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga bago pa nila, nagpasinungaling sila sa mga tanda ng Panginoon nila kaya nagpahamak Kami sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila at lumunod Kami sa mga kampon ni Paraon. Lahat sila noon ay mga tagalabag sa katarungan. (54)
Tafsīr
Ang lagay ng mga tagatangging sumampalatayang ito ay gaya ng lagay ng iba pa sa kanila kabilang sa tumangging sumampalataya kay Allāh tulad ng mga kampon ni Paraon at mga kalipunang tagapasinungaling bago pa nila. Nagpasinungaling sila sa mga tanda ng Panginoon nila kaya nagpahamak Siya sa kanila dahilan sa nagawa nila na mga pagsuway. Nagpahamak si Allāh sa mga kampon ni Paraon sa pamamagitan ng pagkalunod sa dagat. Bawat isa sa mga kampon ni Paraon at mga kalipunan bago pa nila ay dating mga tagalabag sa katarungan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagtatambal nila sa Kanya kaya naging kinakailangan sa kanila dahil doon ang parusa Niya – kaluwalhatian sa Kanya – kaya naman pinangyari Niya iyon sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: