Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 60)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 60

وَأَعِدُّوا لَهُمْ مَا اسْتَطَعْتُمْ مِنْ قُوَّةٍ وَمِنْ رِبَاطِ الْخَيْلِ تُرْهِبُونَ بِهِ عَدُوَّ اللَّهِ وَعَدُوَّكُمْ وَآخَرِينَ مِنْ دُونِهِمْ لَا تَعْلَمُونَهُمُ اللَّهُ يَعْلَمُهُمْ ۚ وَمَا تُنْفِقُوا مِنْ شَيْءٍ فِي سَبِيلِ اللَّهِ يُوَفَّ إِلَيْكُمْ وَأَنْتُمْ لَا تُظْلَمُونَ 60 ٦٠

Maghanda kayo para sa kanila ng nakaya ninyo na anumang lakas at anumang mga kawan ng mga kabayo na magpapangilabot kayo sa pamamagitan ng mga ito sa kaaway ni Allāh, kaaway ninyo, at mga iba pa bukod pa sa kanila na hindi kayo nakaaalam sa kanila samantalang si Allāh ay nakaaalam sa kanila. Ang anumang ginugugol ninyo na bagay ayon sa landas ni Allāh ay lulubus-lubusin tungo sa inyo [ang kabayaran] habang kayo ay hindi nilalabag sa katarungan. (60)

Tafsīr
Maghanda kayo, O mga mananampalataya, ng anumang nakaya ninyo sa paghahanda ng tauhan at kasangkapan gaya ng panudla. Maghanda kayo para sa kanila ng ikinural ninyo na mga kabayo ayon sa landas ni Allāh, na ipakakaba ninyo sa mga kaaway ni Allāh at mga kaaway ninyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na nag-aabang sa inyo ng mga kasawian, at ipakakaba ninyo sa ibang mga tao. Hindi kayo nakaaalam sa kanila at hindi kayo nakaaalam sa ikinukubli nila para sa inyo na pagkamuhi. Bagkus si Allāh lamang ay ang nakaaalam sa kanila at nakaaalam sa ikinukubli nila sa mga sarili nila. Ang ginugugol ninyo na yaman, kaunti man o marami, ay magpapalit nito si Allāh sa inyo sa Mundo at magbibigay Siya sa inyo ng gantimpala Niya nang kumpleto nang walang ibinawas sa Kabilang-buhay, kaya magdali-dali kayo sa paggugol sa landas Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba