Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 63)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagpatugma Siya sa pagitan ng mga puso nila. Kung sakaling gumugol ka ng anumang nasa lupa nang lahatan ay hindi ka makapagtutugma sa pagitan ng mga puso nila subalit si Allāh ay nagpatugma sa pagitan nila. Tunay na Siya ay Makapangyarihan, Marunong. (63)
Tafsīr
Nagbuklod Siya sa pagitan ng mga puso ng mga mananampalataya na nag-adya Siya sa iyo sa pamamagitan nila matapos na ang mga ito dati ay nagkakahati-hati. Kung sakaling gumugol ka ng anumang yamang nasa lupa upang magbuklod sa pagitan ng mga puso nilang nagkakahati-hati ay hindi ka makapagbubuklod sa pagitan ng mga ito, subalit si Allāh lamang ay nagbuklod sa pagitan ng mga ito. Tunay na Siya ay Makapangyarihan sa kaharian Niya: walang nakadadaig sa Kanya na isa man, Marunong sa pagtatakda Niya, pangangasiwa Niya, at batas Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: