Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 63 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 63 sa 75 • Tagalog


وَأَلَّفَ بَيْنَ قُلُوبِهِمْ ۚ لَوْ أَنْفَقْتَ مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا مَا أَلَّفْتَ بَيْنَ قُلُوبِهِمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ أَلَّفَ بَيْنَهُمْ ۚ إِنَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ 63
Pagsasalin:
Nagpatugma Siya sa pagitan ng mga puso nila. Kung sakaling gumugol ka ng anumang nasa lupa nang lahatan ay hindi ka makapagtutugma sa pagitan ng mga puso nila subalit si Allāh ay nagpatugma sa pagitan nila. Tunay na Siya ay Makapangyarihan, Marunong. Al-Anfāl 8:63
Tafsīr:
Nagbuklod Siya sa pagitan ng mga puso ng mga mananampalataya na nag-adya Siya sa iyo sa pamamagitan nila matapos na ang mga ito dati ay nagkakahati-hati. Kung sakaling gumugol ka ng anumang yamang nasa lupa upang magbuklod sa pagitan ng mga puso nilang nagkakahati-hati ay hindi ka makapagbubuklod sa pagitan ng mga ito, subalit si Allāh lamang ay nagbuklod sa pagitan ng mga ito. Tunay na Siya ay Makapangyarihan sa kaharian Niya: walang nakadadaig sa Kanya na isa man, Marunong sa pagtatakda Niya, pangangasiwa Niya, at batas Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 62 Susunod Al-Anfāl • Talata 64