Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 62 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 62 sa 75 • Tagalog


وَإِنْ يُرِيدُوا أَنْ يَخْدَعُوكَ فَإِنَّ حَسْبَكَ اللَّهُ ۚ هُوَ الَّذِي أَيَّدَكَ بِنَصْرِهِ وَبِالْمُؤْمِنِينَ 62
Pagsasalin:
Kung magnanais sila na manlinlang sa iyo, tunay na kasapatan sa iyo si Allāh. Siya ay ang umalalay sa iyo sa pamamagitan ng pag-aadya Niya at sa pamamagitan ng mga mananampalataya. Al-Anfāl 8:62
Tafsīr:
Kung nagbalak sila, sa pagkiling nila sa pakikipagpayapaan at pag-iwan sa pakikipaglaban, na dayain ka, O Sugo, sa pamamagitan niyon upang makapaghanda sila para sa pakikipaglaban sa iyo, tunay na si Allāh ay nakasasapat sa iyo sa pakana nila at panlilinlang nila. Siya ay ang nagpalakas sa iyo sa pamamagitan ng pag-aadya Niya at nagpalakas sa iyo sa pamamagitan ng pag-aadya ng mga mananampalataya sa iyo kabilang sa mga lumikas at mga tagaadya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 61 Susunod Al-Anfāl • Talata 63