Surah Aṭ-Ṭāriq (Ang Bitwin sa Umaga) — سُورَةُ الطارق
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
وَالسَّمَاءِ وَالطَّارِقِ i
Sumpa man sa langit at sa tagapunta sa gabi. (1)
وَمَا أَدْرَاكَ مَا الطَّارِقُ i
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang tagapunta sa gabi? (2)
النَّجْمُ الثَّاقِبُ i
[Ito] ang bituing tumatagos. (3)
إِنْ كُلُّ نَفْسٍ لَمَّا عَلَيْهَا حَافِظٌ i
Walang kaluluwa malibang dito ay may isang [anghel na] tagapag-ingat. (4)
فَلْيَنْظُرِ الْإِنْسَانُ مِمَّ خُلِقَ i
Kaya tumingin ang tao mula sa ano siya nilikha. (5)
خُلِقَ مِنْ مَاءٍ دَافِقٍ i
Nilikha siya mula sa isang likidong pumupulandit, (6)
يَخْرُجُ مِنْ بَيْنِ الصُّلْبِ وَالتَّرَائِبِ i
na lumalabas mula sa pagitan ng gulugod [ng lalaki] at mga tadyang. (7)
إِنَّهُ عَلَىٰ رَجْعِهِ لَقَادِرٌ i
Tunay na Siya, sa pagpapabalik dito, ay talagang Nakakakaya. (8)
يَوْمَ تُبْلَى السَّرَائِرُ i
Sa Araw na sisiyasatin ang mga lihim [para ibunyag], (9)
فَمَا لَهُ مِنْ قُوَّةٍ وَلَا نَاصِرٍ i
walang ukol sa kanya na anumang lakas ni tagapag-adya. (10)
وَالسَّمَاءِ ذَاتِ الرَّجْعِ i
Sumpa man sa langit na may pagpapabalik, (11)
وَالْأَرْضِ ذَاتِ الصَّدْعِ i
sumpa man sa lupa na may bitak [ng pagtubo ng halaman]; (12)
إِنَّهُ لَقَوْلٌ فَصْلٌ i
tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang sinabing pambukod, (13)
وَمَا هُوَ بِالْهَزْلِ i
at hindi ito ang biru-biro. (14)
إِنَّهُمْ يَكِيدُونَ كَيْدًا i
Tunay na sila ay nanlansi ng isang panlalansi [laban sa inihatid ng Propeta], (15)
وَأَكِيدُ كَيْدًا i
at nanlansi naman Ako ng isang panlalansi [laban sa kanila]. (16)
فَمَهِّلِ الْكَافِرِينَ أَمْهِلْهُمْ رُوَيْدًا i
Kaya mag-anta-antabay ka sa mga tagatangging sumampalataya, mag-antabay ka sa kanila nang hinay-hinay. (17)