Surah Al-Ghāshiyah (Ang Nakakubli) — سُورَةُ الغاشية
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
هَلْ أَتَاكَ حَدِيثُ الْغَاشِيَةِ i
88:1Nakarating ba sa iyo [O Sugo] ang sanaysay ng Tagalukob? (1)
وُجُوهٌ يَوْمَئِذٍ خَاشِعَةٌ i
88:2May mga mukha sa Araw na iyon na nagtataimtim, (2)
عَامِلَةٌ نَاصِبَةٌ i
88:3na gumagawa [sa Mundo], na magpapakapagal [sa Kabilang-buhay], (3)
تَصْلَىٰ نَارًا حَامِيَةً i
88:4na masusunog sa isang apoy na napakainit, (4)
تُسْقَىٰ مِنْ عَيْنٍ آنِيَةٍ i
88:5na paiinumin mula sa isang bukal na pagkainit-init. (5)
لَيْسَ لَهُمْ طَعَامٌ إِلَّا مِنْ ضَرِيعٍ i
88:6Wala silang pagkain maliban sa mula sa isang matinik na halaman, (6)
لَا يُسْمِنُ وَلَا يُغْنِي مِنْ جُوعٍ i
88:7na hindi nagpapataba at hindi nakatutugon sa gutom. (7)
وُجُوهٌ يَوْمَئِذٍ نَاعِمَةٌ i
88:8May mga mukha sa Araw na iyon na nagiginhawahan, (8)
لِسَعْيِهَا رَاضِيَةٌ i
88:9na dahil sa pinagpunyagian ng mga ito ay nalulugod, (9)
فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٍ i
88:10sa isang harding mataas, (10)
لَا تَسْمَعُ فِيهَا لَاغِيَةً i
88:11na hindi sila makaririnig doon ng isang satsat. (11)
فِيهَا عَيْنٌ جَارِيَةٌ i
88:12Doon ay may bukal na dumadaloy. (12)
فِيهَا سُرُرٌ مَرْفُوعَةٌ i
88:13Doon ay may mga kamang nakaangat, (13)
وَأَكْوَابٌ مَوْضُوعَةٌ i
88:14may mga kopang nakalagay, (14)
وَنَمَارِقُ مَصْفُوفَةٌ i
88:15may mga almohadon na nakahanay, (15)
وَزَرَابِيُّ مَبْثُوثَةٌ i
88:16at mga alpombrang ikinalat. (16)
أَفَلَا يَنْظُرُونَ إِلَى الْإِبِلِ كَيْفَ خُلِقَتْ i
88:17Kaya hindi ba sila tumitingin sa mga kamelyo kung papaanong nilikha ang mga ito, (17)
وَإِلَى السَّمَاءِ كَيْفَ رُفِعَتْ i
88:18at sa langit kung papaanong inangat ito, (18)
وَإِلَى الْجِبَالِ كَيْفَ نُصِبَتْ i
88:19at sa mga bundok kung papaanong itinirik ang mga ito, (19)
وَإِلَى الْأَرْضِ كَيْفَ سُطِحَتْ i
88:20at sa lupa kung papaanong inilatag ito? (20)
فَذَكِّرْ إِنَّمَا أَنْتَ مُذَكِّرٌ i
88:21Kaya magpaalaala ka [sa kanila, O Propeta Muḥammad]; ikaw ay isang tagapagpaalaala lamang. (21)
لَسْتَ عَلَيْهِمْ بِمُصَيْطِرٍ i
88:22Hindi ka sa kanila isang tagapanaig [sa pagsampalataya]. (22)
إِلَّا مَنْ تَوَلَّىٰ وَكَفَرَ i
88:23Ngunit ang sinumang tumalikod at tumangging sumampalataya (23)
فَيُعَذِّبُهُ اللَّهُ الْعَذَابَ الْأَكْبَرَ i
88:24ay pagdurusahin siya ni Allāh ng pagdurusang pinakamalaki. (24)
إِنَّ إِلَيْنَا إِيَابَهُمْ i
88:25Tunay na tungo sa Amin ang pag-uwi nila. (25)
ثُمَّ إِنَّ عَلَيْنَا حِسَابَهُمْ i
88:26Pagkatapos tunay na sa Amin ang pagtutuos sa kanila. (26)