Surah Al-Fajr (Ang Bukang-Liwayway) — سُورَةُ الفجر
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
وَالْفَجْرِ i
Sumpa man sa madaling-araw, (1)
وَلَيَالٍ عَشْرٍ i
sumpa man sa Sampung Gabi [ng Dhulḥijjah], (2)
وَالشَّفْعِ وَالْوَتْرِ i
sumpa man sa [mga bagay na] tukol at gansal, (3)
وَاللَّيْلِ إِذَا يَسْرِ i
sumpa man sa gabi kapag naglalakbay ito; [talagang gagantihan nga kayo.] (4)
هَلْ فِي ذَٰلِكَ قَسَمٌ لِذِي حِجْرٍ i
Sa gayon kaya ay may panunumpa para sa may pang-unawa? (5)
أَلَمْ تَرَ كَيْفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِعَادٍ i
Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa [liping] `Ād, (6)
إِرَمَ ذَاتِ الْعِمَادِ i
na [lipi ni] Irām na may mga haligi, (7)
الَّتِي لَمْ يُخْلَقْ مِثْلُهَا فِي الْبِلَادِ i
na hindi nilikha ang tulad ng mga iyon sa mga bayan; (8)
وَثَمُودَ الَّذِينَ جَابُوا الصَّخْرَ بِالْوَادِ i
at sa [liping] Thamūd na pumutol ng mga malaking bato sa lambak; (9)
وَفِرْعَوْنَ ذِي الْأَوْتَادِ i
at kay Paraon na may mga tulos? (10)
الَّذِينَ طَغَوْا فِي الْبِلَادِ i
[Silang lahat ay] ang mga nagmalabis sa mga bayan, (11)
فَأَكْثَرُوا فِيهَا الْفَسَادَ i
saka nagparami sila sa mga iyon ng katiwalian, (12)
فَصَبَّ عَلَيْهِمْ رَبُّكَ سَوْطَ عَذَابٍ i
kaya nagbuhos sa kanila ang Panginoon mo ng isang hagupit ng pagdurusa. (13)
إِنَّ رَبَّكَ لَبِالْمِرْصَادِ i
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nasa pantambang. (14)
فَأَمَّا الْإِنْسَانُ إِذَا مَا ابْتَلَاهُ رَبُّهُ فَأَكْرَمَهُ وَنَعَّمَهُ فَيَقُولُ رَبِّي أَكْرَمَنِ i
Kaya hinggil naman sa tao, kapag sumubok dito ang Panginoon nito saka nagparangal Siya rito at nagpaginhawa Siya rito, nagsasabi ito: “Ang Panginoon ko ay nagparangal sa akin.” (15)
وَأَمَّا إِذَا مَا ابْتَلَاهُ فَقَدَرَ عَلَيْهِ رِزْقَهُ فَيَقُولُ رَبِّي أَهَانَنِ i
Hinggil naman sa kapag sumubok Siya rito saka naghigpit Siya rito sa panustos dito, nagsasabi ito: “Ang Panginoon ko ay humamak sa akin.” (16)
كَلَّا ۖ بَلْ لَا تُكْرِمُونَ الْيَتِيمَ i
Aba’y hindi! Bagkus hindi kayo nagpaparangal sa ulila (17)
وَلَا تَحَاضُّونَ عَلَىٰ طَعَامِ الْمِسْكِينِ i
at hindi kayo naghihimukan sa pagpapakain sa dukha. (18)
وَتَأْكُلُونَ التُّرَاثَ أَكْلًا لَمًّا i
Kumakain kayo ng pamana nang pagkaing masidhi. (19)
وَتُحِبُّونَ الْمَالَ حُبًّا جَمًّا i
Umiibig kayo sa yaman nang pag-ibig na labis. (20)
كَلَّا إِذَا دُكَّتِ الْأَرْضُ دَكًّا دَكًّا i
Aba’y hindi! Kapag dinurog ang lupa nang durog na durog, (21)
وَجَاءَ رَبُّكَ وَالْمَلَكُ صَفًّا صَفًّا i
at dumating ang Panginoon mo at ang mga anghel nang hanay-hanay, (22)
وَجِيءَ يَوْمَئِذٍ بِجَهَنَّمَ ۚ يَوْمَئِذٍ يَتَذَكَّرُ الْإِنْسَانُ وَأَنَّىٰ لَهُ الذِّكْرَىٰ i
at ihahatid sa Araw na iyon ang Impiyerno. Sa Araw na iyon ay magsasaalaala ang tao, at paano ukol sa kanya ang paalaala? (23)
يَقُولُ يَا لَيْتَنِي قَدَّمْتُ لِحَيَاتِي i
Magsasabi siya: “O kung sana ako ay nagpauna [ng mga gawang maayos] para sa buhay ko [sa Kabilang-buhay].” (24)
فَيَوْمَئِذٍ لَا يُعَذِّبُ عَذَابَهُ أَحَدٌ i
Kaya sa araw na iyon ay walang magpaparusa ng pagdurusang dulot Niya na isa man (25)
وَلَا يُوثِقُ وَثَاقَهُ أَحَدٌ i
at walang gagapos [sa masama gaya] ng paggapos Niya na isa man. (26)
يَا أَيَّتُهَا النَّفْسُ الْمُطْمَئِنَّةُ i
[Sasabihan sa mabuti:] “O kaluluwang napapanatag, (27)
ارْجِعِي إِلَىٰ رَبِّكِ رَاضِيَةً مَرْضِيَّةً i
bumalik ka sa Panginoon mo nang nalulugod na kinalulugdan, (28)
فَادْخُلِي فِي عِبَادِي i
saka pumasok ka sa mga lingkod Ko, (29)
وَادْخُلِي جَنَّتِي i
at pumasok ka sa Paraiso Ko.” (30)