Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 103)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 103

خُذْ مِنْ أَمْوَالِهِمْ صَدَقَةً تُطَهِّرُهُمْ وَتُزَكِّيهِمْ بِهَا وَصَلِّ عَلَيْهِمْ ۖ إِنَّ صَلَاتَكَ سَكَنٌ لَهُمْ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ 103 ١٠٣

Kumuha ka mula sa mga yaman nila ng isang kawanggawang magdadalisay sa kanila at magpapalago sa kanila sa pamamagitan nito at manalangin ka ng basbas sa kanila; tunay na ang panalangin mo ng basbas ay isang katiwasayan para sa kanila. Si Allāh ay Madinigin, Maalam. [magdadalisay | magbubusilak] (103)

Tafsīr
Kumuha ka, O Sugo, mula sa mga yaman nila ng isang zakāh na magdadalisay sa kanila sa pamamagitan nito mula sa mga karumihan ng mga pagsuway at mga kasalanan, at magpapalago sa mga magandang gawa nila sa pamamagitan nito. Manalangin ka para sa kanila matapos ng pagkuha nito mula sa kanila. Tunay na ang panalangin mo ay isang awa para sa kanila at isang kapanatagan. Si Allāh ay Madinigin sa panalangin mo, Maalam sa mga layunin nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba