Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 103 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 103 sa 129 • Tagalog


خُذْ مِنْ أَمْوَالِهِمْ صَدَقَةً تُطَهِّرُهُمْ وَتُزَكِّيهِمْ بِهَا وَصَلِّ عَلَيْهِمْ ۖ إِنَّ صَلَاتَكَ سَكَنٌ لَهُمْ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ 103
Pagsasalin:
Kumuha ka mula sa mga yaman nila ng isang kawanggawang magdadalisay sa kanila at magpapalago sa kanila sa pamamagitan nito at manalangin ka ng basbas sa kanila; tunay na ang panalangin mo ng basbas ay isang katiwasayan para sa kanila. Si Allāh ay Madinigin, Maalam. [magdadalisay | magbubusilak] At-Tawbah 9:103
Tafsīr:
Kumuha ka, O Sugo, mula sa mga yaman nila ng isang zakāh na magdadalisay sa kanila sa pamamagitan nito mula sa mga karumihan ng mga pagsuway at mga kasalanan, at magpapalago sa mga magandang gawa nila sa pamamagitan nito. Manalangin ka para sa kanila matapos ng pagkuha nito mula sa kanila. Tunay na ang panalangin mo ay isang awa para sa kanila at isang kapanatagan. Si Allāh ay Madinigin sa panalangin mo, Maalam sa mga layunin nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 102 Susunod At-Tawbah • Talata 104