Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 104 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 104 sa 129 • Tagalog


أَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ هُوَ يَقْبَلُ التَّوْبَةَ عَنْ عِبَادِهِ وَيَأْخُذُ الصَّدَقَاتِ وَأَنَّ اللَّهَ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ 104
Pagsasalin:
Hindi ba sila nakaalam na si Allāh ay tumatanggap ng pagbabalik-loob buhat sa mga lingkod Niya at kumukuha sa mga kawanggawa, at na si Allāh ay ang Palatanggap sa pagbabalik-loob, ang Maawain? At-Tawbah 9:104
Tafsīr:
Alamin ng mga nagpapaiwan na ito palayo sa pakikibaka at mga nagbalik-loob na ito kay Allāh na si Allāh ay tumatanggap sa pagbabalik-loob mula sa mga lingkod Niyang nagbabalik-loob sa Kanya, na Siya ay tumatanggap sa mga kawanggawa samantalang Siya ay Walang-pangangailangan sa mga ito at naggagantimpala sa tagakawanggawa dahil sa kawanggawa nito, at na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Palatanggap sa pagbabalik-loob sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 103 Susunod At-Tawbah • Talata 105