Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 105 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 105 sa 129 • Tagalog


وَقُلِ اعْمَلُوا فَسَيَرَى اللَّهُ عَمَلَكُمْ وَرَسُولُهُ وَالْمُؤْمِنُونَ ۖ وَسَتُرَدُّونَ إِلَىٰ عَالِمِ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ 105
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Gumawa kayo sapagkat makakikita si Allāh sa gawa ninyo, ang Sugo Niya, at ang mga mananampalataya. Ibabalik kayo sa Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa.” At-Tawbah 9:105
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagpapaiwan na ito palayo sa pakikibaka at mga nagbabalik-loob na ito mula sa pagkakasala nila: "Magsaayos kayo ng pinsala ng nakaalpas sa inyo, magpakawagas kayo ng mga gawa ninyo para kay Allāh, at gumawa kayo ayon sa nagpapalugod sa Kanya sapagkat makakikita si Allāh, ang Sugo Niya, at ang mga mananampalataya sa mga gawa ninyo. Panunumbalikin kayo sa Araw ng Pagbangon sa Panginoon ninyong nakaaalam sa bawat bagay sapagkat nakaaalam Siya sa anumang inililihim ninyo at anumang inihahayag ninyo. Magpapabatid Siya sa inyo hinggil sa ginagawa ninyo noon sa Mundo at gaganti Siya sa inyo roon."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 104 Susunod At-Tawbah • Talata 106