Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 104)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 104

أَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ هُوَ يَقْبَلُ التَّوْبَةَ عَنْ عِبَادِهِ وَيَأْخُذُ الصَّدَقَاتِ وَأَنَّ اللَّهَ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ 104 ١٠٤

Hindi ba sila nakaalam na si Allāh ay tumatanggap ng pagbabalik-loob buhat sa mga lingkod Niya at kumukuha sa mga kawanggawa, at na si Allāh ay ang Palatanggap sa pagbabalik-loob, ang Maawain? (104)

Tafsīr
Alamin ng mga nagpapaiwan na ito palayo sa pakikibaka at mga nagbalik-loob na ito kay Allāh na si Allāh ay tumatanggap sa pagbabalik-loob mula sa mga lingkod Niyang nagbabalik-loob sa Kanya, na Siya ay tumatanggap sa mga kawanggawa samantalang Siya ay Walang-pangangailangan sa mga ito at naggagantimpala sa tagakawanggawa dahil sa kawanggawa nito, at na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Palatanggap sa pagbabalik-loob sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba