Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 105)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 105

وَقُلِ اعْمَلُوا فَسَيَرَى اللَّهُ عَمَلَكُمْ وَرَسُولُهُ وَالْمُؤْمِنُونَ ۖ وَسَتُرَدُّونَ إِلَىٰ عَالِمِ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ 105 ١٠٥

Sabihin mo: “Gumawa kayo sapagkat makakikita si Allāh sa gawa ninyo, ang Sugo Niya, at ang mga mananampalataya. Ibabalik kayo sa Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa.” (105)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagpapaiwan na ito palayo sa pakikibaka at mga nagbabalik-loob na ito mula sa pagkakasala nila: "Magsaayos kayo ng pinsala ng nakaalpas sa inyo, magpakawagas kayo ng mga gawa ninyo para kay Allāh, at gumawa kayo ayon sa nagpapalugod sa Kanya sapagkat makakikita si Allāh, ang Sugo Niya, at ang mga mananampalataya sa mga gawa ninyo. Panunumbalikin kayo sa Araw ng Pagbangon sa Panginoon ninyong nakaaalam sa bawat bagay sapagkat nakaaalam Siya sa anumang inililihim ninyo at anumang inihahayag ninyo. Magpapabatid Siya sa inyo hinggil sa ginagawa ninyo noon sa Mundo at gaganti Siya sa inyo roon."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba