Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 109)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 109

أَفَمَنْ أَسَّسَ بُنْيَانَهُ عَلَىٰ تَقْوَىٰ مِنَ اللَّهِ وَرِضْوَانٍ خَيْرٌ أَمْ مَنْ أَسَّسَ بُنْيَانَهُ عَلَىٰ شَفَا جُرُفٍ هَارٍ فَانْهَارَ بِهِ فِي نَارِ جَهَنَّمَ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ 109 ١٠٩

Kaya ang nagtatag ba ng gusali niya sa isang pangingilag magkasala kay Allāh at isang pagkalugod ay higit na mabuti, o ang nagtatag ng gusali niya sa bingit ng isang pampang na paguho kaya gumuho ito kalakip sa kanya sa Apoy ng Impiyerno? Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan. (109)

Tafsīr
Ang nagtatag ng gusali niya sa isang pangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at pagkalugod ni Allāh sa pamamagitan ng pagpapakalawak sa mga gawain ng pagpapakabuti ay nakapapantay ba ng nagtayo ng isang masjid para sa pagpinsala sa mga Muslim, pagpapalakas sa kawalang-pananampalataya, at pagpapawatak-watak sa pagitan ng mga mananampalataya? Hindi sila nagkakapantay magpakailanman. Ang una, ang gusali niya ay malakas at siksik na hindi kinatatakutan dito ang pagbagsak. Itong [ikalawa], ang paghahalintulad nito ay katulad ng nagpatayo ng isang gusali sa gilid ng isang hukay, na nawasak at bumagsak kaya gumuho sa kanya ang gusali niya sa kailaliman ng Impiyerno. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga taong tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya, pagpapaimbabaw, at iba pa roon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba