Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 109 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 109 sa 129 • Tagalog


أَفَمَنْ أَسَّسَ بُنْيَانَهُ عَلَىٰ تَقْوَىٰ مِنَ اللَّهِ وَرِضْوَانٍ خَيْرٌ أَمْ مَنْ أَسَّسَ بُنْيَانَهُ عَلَىٰ شَفَا جُرُفٍ هَارٍ فَانْهَارَ بِهِ فِي نَارِ جَهَنَّمَ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ 109
Pagsasalin:
Kaya ang nagtatag ba ng gusali niya sa isang pangingilag magkasala kay Allāh at isang pagkalugod ay higit na mabuti, o ang nagtatag ng gusali niya sa bingit ng isang pampang na paguho kaya gumuho ito kalakip sa kanya sa Apoy ng Impiyerno? Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan. At-Tawbah 9:109
Tafsīr:
Ang nagtatag ng gusali niya sa isang pangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at pagkalugod ni Allāh sa pamamagitan ng pagpapakalawak sa mga gawain ng pagpapakabuti ay nakapapantay ba ng nagtayo ng isang masjid para sa pagpinsala sa mga Muslim, pagpapalakas sa kawalang-pananampalataya, at pagpapawatak-watak sa pagitan ng mga mananampalataya? Hindi sila nagkakapantay magpakailanman. Ang una, ang gusali niya ay malakas at siksik na hindi kinatatakutan dito ang pagbagsak. Itong [ikalawa], ang paghahalintulad nito ay katulad ng nagpatayo ng isang gusali sa gilid ng isang hukay, na nawasak at bumagsak kaya gumuho sa kanya ang gusali niya sa kailaliman ng Impiyerno. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga taong tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya, pagpapaimbabaw, at iba pa roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 108 Susunod At-Tawbah • Talata 110