Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 110 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 110 sa 129 • Tagalog


لَا يَزَالُ بُنْيَانُهُمُ الَّذِي بَنَوْا رِيبَةً فِي قُلُوبِهِمْ إِلَّا أَنْ تَقَطَّعَ قُلُوبُهُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ 110
Pagsasalin:
Hindi titigil ang gusali nila na itinayo nila bilang isang alinlangan sa mga puso nila maliban na magkakaputul-putol ang mga puso nila. Si Allāh ay Maalam, Marunong. At-Tawbah 9:110
Tafsīr:
Hindi titigil ang masjid nilang itinayo nila sa pagiging isang pamiminsala, pagdududa, at pagpapaimbabaw na nanatili sa mga puso nila hanggang sa magkakapira-piraso ang mga puso nila dahil sa kamatayan o pagkapatay sa tabak. Si Allāh ay Maalam sa mga gawain ng mga lingkod Niya, Marunong sa ihinahatol Niya na pagganti sa kabutihan o kasamaan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 109 Susunod At-Tawbah • Talata 111