Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 111 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 111 sa 129 • Tagalog


إِنَّ اللَّهَ اشْتَرَىٰ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ أَنْفُسَهُمْ وَأَمْوَالَهُمْ بِأَنَّ لَهُمُ الْجَنَّةَ ۚ يُقَاتِلُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَيَقْتُلُونَ وَيُقْتَلُونَ ۖ وَعْدًا عَلَيْهِ حَقًّا فِي التَّوْرَاةِ وَالْإِنْجِيلِ وَالْقُرْآنِ ۚ وَمَنْ أَوْفَىٰ بِعَهْدِهِ مِنَ اللَّهِ ۚ فَاسْتَبْشِرُوا بِبَيْعِكُمُ الَّذِي بَايَعْتُمْ بِهِ ۚ وَذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ 111
Pagsasalin:
Tunay na si Allāh ay bumili mula sa mga mananampalataya ng mga sarili nila at mga yaman nila kapalit ng pagiging ukol sa kanila ang Paraiso. Nakikipaglaban sila ayon sa landas ni Allāh kaya nakapapatay sila at napapatay sila, bilang pangako [na tutuparin] Niya na totoo sa Torah, Ebanghelyo, at Qur’ān. Sino pa ang higit na palatupad sa kasunduan kaysa kay Allāh? Kaya magalak kayo sa pagbibilihan ninyong nakipagbilihan kayo. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan. At-Tawbah 9:111
Tafsīr:
Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay bumili mula sa mga mananampalataya ng mga sarili nila – gayong sila ay pag-aari Niya bilang isang pagmamabuting-loob mula sa Kanya – sa isang halagang mahal: ang Paraiso, yayamang nakikipaglaban sila sa mga tagatangging sumampalataya upang ang Salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas, kaya nakapapatay sila ng mga tagatangging sumampalataya at nakapapatay sa kanila ang mga tagatangging sumampalataya. Nangako si Allāh ng gayon ayon sa isang pangakong tapat sa Torah, ang aklat ni Moises, sa Ebanghelyo, ang aklat ni Jesus – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – at sa Qur’ān, ang Aklat ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Walang isang higit na palatupad sa kasunduan kaysa kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya magsaya kayo at matuwa kayo, O mga mananampalataya, sa pagbibilihan ninyong nakipagbilihan kayo kay Allāh sapagkat ang tubo ninyo roon ay isang tubong sukdulan. Ang pagbibilihang iyon ay ang tagumpay na sukdulan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 110 Susunod At-Tawbah • Talata 112