Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 112 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 112 sa 129 • Tagalog


التَّائِبُونَ الْعَابِدُونَ الْحَامِدُونَ السَّائِحُونَ الرَّاكِعُونَ السَّاجِدُونَ الْآمِرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَالنَّاهُونَ عَنِ الْمُنْكَرِ وَالْحَافِظُونَ لِحُدُودِ اللَّهِ ۗ وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ 112
Pagsasalin:
[Sila] ang mga nagbabalik-loob, na mga sumasamba, na mga nagpupuri, na mga nag-aayuno, na mga yumuyukod, na mga nagpapatirapa, na mga nag-uutos sa nakabubuti, na mga sumasaway sa nakasasama, at mga nag-iingat sa mga hangganan ni Allāh. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya. At-Tawbah 9:112
Tafsīr:
Ang mga magtatamo ng ganting ito ay ang mga nanunumbalik mula sa kinasuklaman ni Allāh at kinainisan Niya tungo sa naiibigan Niya at kinalulugdan Niya, na mga nagpakaaba bilang takot kay Allāh at pagpapakumbaba kaya nagtaimtim sila sa pagtalima sa Kanya, na mga nagpupuri sa Panginoon nila sa bawat kalagayan, na mga nag-aayuno, na mga nagdarasal, na mga nag-uutos sa ipinag-utos ni Allāh o ipinag-utos ng Sugo Niya, na mga sumasaway sa sinaway ni Allāh at ng Sugo Niya, at mga nag-iingat sa mga ipinag-uutos ni Allāh sa pamamagitan ng pagsunod at sa mga sinasaway Niya sa pamamagitan ng pag-iwas. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga mananampalatayang nailalarawan sa mga katangiang ito ng magpapatuwa sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 111 Susunod At-Tawbah • Talata 113