Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 113 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 113 sa 129 • Tagalog


مَا كَانَ لِلنَّبِيِّ وَالَّذِينَ آمَنُوا أَنْ يَسْتَغْفِرُوا لِلْمُشْرِكِينَ وَلَوْ كَانُوا أُولِي قُرْبَىٰ مِنْ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمْ أَنَّهُمْ أَصْحَابُ الْجَحِيمِ 113
Pagsasalin:
Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal [na namatay sa kawalang-pananampalataya], kahit pa man ang mga ito ay mga mayroong pagkakamag-anak, matapos na luminaw para sa kanila na ang mga ito ay mga maninirahan sa Impiyerno. At-Tawbah 9:113
Tafsīr:
Hindi nararapat para sa Propeta at hindi nararapat para sa mga mananampalataya na humiling sila ng kapatawaran mula kay Allāh para sa mga tagapagtambal kahit pa man ang mga ito ay mga kaanak nila, nang matapos na lumiwanag para sa kanila na ang mga ito ay kabilang sa mga maninirahan sa Apoy dahil sa pagkamatay ng mga ito sa shirk.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 112 Susunod At-Tawbah • Talata 114