Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 114 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 114 sa 129 • Tagalog


وَمَا كَانَ اسْتِغْفَارُ إِبْرَاهِيمَ لِأَبِيهِ إِلَّا عَنْ مَوْعِدَةٍ وَعَدَهَا إِيَّاهُ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُ أَنَّهُ عَدُوٌّ لِلَّهِ تَبَرَّأَ مِنْهُ ۚ إِنَّ إِبْرَاهِيمَ لَأَوَّاهٌ حَلِيمٌ 114
Pagsasalin:
Walang iba ang paghingi ng tawad ni Abraham para sa ama niya kundi dala ng isang kapangakuang ipinangako niya roon;, ngunit noong luminaw para sa kanya na iyon ay isang kaaway kay Allāh, nagpawalang-kaugnayan siya roon. Tunay na si Abraham ay talagang palataghoy, matimpiin. At-Tawbah 9:114
Tafsīr:
Walang iba ang paghiling ni Abraham ng kapatawaran para sa ama niya kundi dahilan sa pangako niya roon na talagang hihiling nga siya nito para roon sa pag-asang maligtas iyon. Ngunit noong lumiwanag para kay Abraham na ang ama niya ay isang kaaway kay Allāh dahil sa kawalan ng pakinabang sa pagpapayo roon o dahil sa pagkaalam niya sa pamamagitan ng pagkakasi na ang ama niya ay mamatay na isang tagatangging sumampalataya, nagpawalang-kaugnayan siya roon. Ang paghingi niya ng tawad para roon ay isang pagsisikap [na makatulong] mula sa kanya, hindi pagsalungat sa patakarang ikinasi ni Allāh sa kanya. Tunay na si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay talagang madalas ang pagsusumamo, madalas ang pagpapaumanhin at ang pagpapalampas sa [kasalanan ng] mga kababayan niyang mga tagalabag ng katarungan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 113 Susunod At-Tawbah • Talata 115