Huwag kang tumayo sa loob niyon magpakailanman. Talagang ang isang masjid na itinatag sa pangingilag magkasala sa unang araw ay higit na karapat-dapat na tumayo ka sa loob niyon [para magdasal]. Doon ay may mga lalaking naiibigang magpakadalisay. Si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakadalisay. At-Tawbah 9:108 ⧉
Tafsīr:
Ang isang masjid na ito ang katangian niyon ay huwag kang tumugon, O Propeta, sa paanyaya para sa iyo ng mga mapagpaimbabaw para sa pagdarasal doon sapagkat tunay na ang Masjid ng Qubā' na itinatag sa unang pagkatatag sa pangingilag magkasala ay higit na marapat na pagdasalan mo kaysa sa masjid na itinatag sa kawalang-pananampalataya. Sa Masjid ng Qubā' ay may mga lalaking naiibigan na magpakadalisay mula sa mga kalagayang nangangailangan ng paligo at mga karumihan sa pamamagitan ng tubig at mula sa mga pagsuway sa pamamagitan ng pagbabalik-loob at paghingi ng tawad. Si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakadalisay mula sa mga kalagayang nangangailangan ng paligo, mga karumihan, at mga pagkakasala.