Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na si Allāh ay bumili mula sa mga mananampalataya ng mga sarili nila at mga yaman nila kapalit ng pagiging ukol sa kanila ang Paraiso. Nakikipaglaban sila ayon sa landas ni Allāh kaya nakapapatay sila at napapatay sila, bilang pangako [na tutuparin] Niya na totoo sa Torah, Ebanghelyo, at Qur’ān. Sino pa ang higit na palatupad sa kasunduan kaysa kay Allāh? Kaya magalak kayo sa pagbibilihan ninyong nakipagbilihan kayo. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan. (111)
Tafsīr
Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay bumili mula sa mga mananampalataya ng mga sarili nila – gayong sila ay pag-aari Niya bilang isang pagmamabuting-loob mula sa Kanya – sa isang halagang mahal: ang Paraiso, yayamang nakikipaglaban sila sa mga tagatangging sumampalataya upang ang Salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas, kaya nakapapatay sila ng mga tagatangging sumampalataya at nakapapatay sa kanila ang mga tagatangging sumampalataya. Nangako si Allāh ng gayon ayon sa isang pangakong tapat sa Torah, ang aklat ni Moises, sa Ebanghelyo, ang aklat ni Jesus – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – at sa Qur’ān, ang Aklat ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Walang isang higit na palatupad sa kasunduan kaysa kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya magsaya kayo at matuwa kayo, O mga mananampalataya, sa pagbibilihan ninyong nakipagbilihan kayo kay Allāh sapagkat ang tubo ninyo roon ay isang tubong sukdulan. Ang pagbibilihang iyon ay ang tagumpay na sukdulan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: