Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 112)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 112

التَّائِبُونَ الْعَابِدُونَ الْحَامِدُونَ السَّائِحُونَ الرَّاكِعُونَ السَّاجِدُونَ الْآمِرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَالنَّاهُونَ عَنِ الْمُنْكَرِ وَالْحَافِظُونَ لِحُدُودِ اللَّهِ ۗ وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ 112 ١١٢

[Sila] ang mga nagbabalik-loob, na mga sumasamba, na mga nagpupuri, na mga nag-aayuno, na mga yumuyukod, na mga nagpapatirapa, na mga nag-uutos sa nakabubuti, na mga sumasaway sa nakasasama, at mga nag-iingat sa mga hangganan ni Allāh. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya. (112)

Tafsīr
Ang mga magtatamo ng ganting ito ay ang mga nanunumbalik mula sa kinasuklaman ni Allāh at kinainisan Niya tungo sa naiibigan Niya at kinalulugdan Niya, na mga nagpakaaba bilang takot kay Allāh at pagpapakumbaba kaya nagtaimtim sila sa pagtalima sa Kanya, na mga nagpupuri sa Panginoon nila sa bawat kalagayan, na mga nag-aayuno, na mga nagdarasal, na mga nag-uutos sa ipinag-utos ni Allāh o ipinag-utos ng Sugo Niya, na mga sumasaway sa sinaway ni Allāh at ng Sugo Niya, at mga nag-iingat sa mga ipinag-uutos ni Allāh sa pamamagitan ng pagsunod at sa mga sinasaway Niya sa pamamagitan ng pag-iwas. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga mananampalatayang nailalarawan sa mga katangiang ito ng magpapatuwa sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba