Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 114)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 114

وَمَا كَانَ اسْتِغْفَارُ إِبْرَاهِيمَ لِأَبِيهِ إِلَّا عَنْ مَوْعِدَةٍ وَعَدَهَا إِيَّاهُ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُ أَنَّهُ عَدُوٌّ لِلَّهِ تَبَرَّأَ مِنْهُ ۚ إِنَّ إِبْرَاهِيمَ لَأَوَّاهٌ حَلِيمٌ 114 ١١٤

Walang iba ang paghingi ng tawad ni Abraham para sa ama niya kundi dala ng isang kapangakuang ipinangako niya roon;, ngunit noong luminaw para sa kanya na iyon ay isang kaaway kay Allāh, nagpawalang-kaugnayan siya roon. Tunay na si Abraham ay talagang palataghoy, matimpiin. (114)

Tafsīr
Walang iba ang paghiling ni Abraham ng kapatawaran para sa ama niya kundi dahilan sa pangako niya roon na talagang hihiling nga siya nito para roon sa pag-asang maligtas iyon. Ngunit noong lumiwanag para kay Abraham na ang ama niya ay isang kaaway kay Allāh dahil sa kawalan ng pakinabang sa pagpapayo roon o dahil sa pagkaalam niya sa pamamagitan ng pagkakasi na ang ama niya ay mamatay na isang tagatangging sumampalataya, nagpawalang-kaugnayan siya roon. Ang paghingi niya ng tawad para roon ay isang pagsisikap [na makatulong] mula sa kanya, hindi pagsalungat sa patakarang ikinasi ni Allāh sa kanya. Tunay na si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay talagang madalas ang pagsusumamo, madalas ang pagpapaumanhin at ang pagpapalampas sa [kasalanan ng] mga kababayan niyang mga tagalabag ng katarungan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba