Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ngunit kung nagbalik-loob sila, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh, mga kapatid ninyo sila sa relihiyon. Nagdedetalye Kami ng mga tanda para sa mga taong umaalam. (11)
Tafsīr
Ngunit kung nagbalik-loob sila kay Allāh mula sa kawalang-pananampalataya nila, bumigkas sila ng Dalawang Pagsaksi, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh ng mga yaman nila, sila ay naging mga Muslim na at sila ay mga kapatid ninyo sa Relihiyon. Ukol sa kanila ang ukol sa inyo at kailangan sa kanila ang kailangan sa inyo. Hindi ipinahihintulot para sa inyo ang pakikipaglaban sa kanila sapagkat ang pagyakap nila sa Islām ay nangangalaga sa mga buhay nila, mga ari-arian nila, at mga dangal nila. Naglilinaw si Allāh ng mga tanda at nagpapaliwanag ng mga ito para sa mga taong umaalam, kaya sila ay makikinabang sa mga ito at magpapakinabang sa pamamagitan ng mga ito sa iba pa sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: