Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 11 sa 129 • Tagalog


فَإِنْ تَابُوا وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَآتَوُا الزَّكَاةَ فَإِخْوَانُكُمْ فِي الدِّينِ ۗ وَنُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ 11
Pagsasalin:
Ngunit kung nagbalik-loob sila, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh, mga kapatid ninyo sila sa relihiyon. Nagdedetalye Kami ng mga tanda para sa mga taong umaalam. At-Tawbah 9:11
Tafsīr:
Ngunit kung nagbalik-loob sila kay Allāh mula sa kawalang-pananampalataya nila, bumigkas sila ng Dalawang Pagsaksi, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh ng mga yaman nila, sila ay naging mga Muslim na at sila ay mga kapatid ninyo sa Relihiyon. Ukol sa kanila ang ukol sa inyo at kailangan sa kanila ang kailangan sa inyo. Hindi ipinahihintulot para sa inyo ang pakikipaglaban sa kanila sapagkat ang pagyakap nila sa Islām ay nangangalaga sa mga buhay nila, mga ari-arian nila, at mga dangal nila. Naglilinaw si Allāh ng mga tanda at nagpapaliwanag ng mga ito para sa mga taong umaalam, kaya sila ay makikinabang sa mga ito at magpapakinabang sa pamamagitan ng mga ito sa iba pa sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 10 Susunod At-Tawbah • Talata 12