Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 12 sa 129 • Tagalog


وَإِنْ نَكَثُوا أَيْمَانَهُمْ مِنْ بَعْدِ عَهْدِهِمْ وَطَعَنُوا فِي دِينِكُمْ فَقَاتِلُوا أَئِمَّةَ الْكُفْرِ ۙ إِنَّهُمْ لَا أَيْمَانَ لَهُمْ لَعَلَّهُمْ يَنْتَهُونَ 12
Pagsasalin:
Kung lumabag sila sa mga sinumpaan nila matapos na ng kasunduan sa kanila at tumuligsa sila sa relihiyon ninyo, makipaglaban kayo sa mga tagapanguna ng kawalang-pananampalataya – tunay na sila ay walang mga sinumpaang ukol sa kanila – nang sa gayon sila ay titigil [sa kawalang-pananampalataya]. At-Tawbah 9:12
Tafsīr:
Kung sumira ang mga tagapagtambal na ito – na nakipagkasunduan kayo sa kanila sa pagtigil sa pakikipaglaban sa isang takdang yugto – sa mga kasunduan sa kanila at mga tipan sa kanila, namintas sila sa relihiyon ninyo, at nagmaliit sila rito, makipaglaban kayo sa kanila sapagkat sila ay mga pasimuno ng kawalang-pananampalataya at mga pinuno nito. Walang mga kasunduan sa kanila ni mga tipan na magliligtas sa mga buhay nila. Makipaglaban kayo sa kanila sa pag-asang tumigil sila sa kawalang-pananampalataya nila, sa pagsira nila sa mga tipan, at sa pagmamaliit nila sa Relihiyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 11 Susunod At-Tawbah • Talata 13