Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 123)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 123

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا قَاتِلُوا الَّذِينَ يَلُونَكُمْ مِنَ الْكُفَّارِ وَلْيَجِدُوا فِيكُمْ غِلْظَةً ۚ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ مَعَ الْمُتَّقِينَ 123 ١٢٣

O mga sumampalataya, makipaglaban kayo sa mga nalalapit sa inyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya [na kumakalaban sa inyo] at makatagpo sila sa inyo ng kabagsikan. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama sa mga tagapangilag magkasala. (123)

Tafsīr
Nag-utos si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga mananampalataya ng pakikipaglaban sa mga kumakaratig sa kanila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya dahil sa isinasanhi ng mga ito na isang panganib sa mga mananampalataya dahilan sa kalapitan ng mga ito. Nag-utos Siya sa kanila, gayon din, na magpakita sila ng kalakasan at katindihan alang-alang sa pagpapangilabot sa mga ito at pagtutulak sa kasamaan ng mga ito. Si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay kasama sa mga mananampalatayang tagapangilag magkasala sa pamamagitan ng tulong Niya at pag-alalay Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba