Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 126)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 126

أَوَلَا يَرَوْنَ أَنَّهُمْ يُفْتَنُونَ فِي كُلِّ عَامٍ مَرَّةً أَوْ مَرَّتَيْنِ ثُمَّ لَا يَتُوبُونَ وَلَا هُمْ يَذَّكَّرُونَ 126 ١٢٦

Hindi ba sila nakakikita na sila ay sinusubok sa bawat taon nang isang ulit o dalawang ulit, pagkatapos, hindi nagbabalik-loob, ni sila ay nagsasaalaala? (126)

Tafsīr
Hindi ba tumitingin ang mga mapagpaimbabaw habang mga nagsasaalang-alang sa pagsubok ni Allāh sa kanila sa pamamagitan ng paglalantad sa kalagayan nila at pagbubunyag sa pagpapaimbabaw nila sa bawat taon nang isang ulit o dalawang ulit? Pagkatapos sa kabila ng pagkakaalam nila na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay ang tagagawa niyon sa kanila, hindi sila nagbabalik-loob sa Kanya mula sa kawalang-pananampalataya nila, hindi sila kumakalas sa pagpapaimbabaw nila ni sila ay nagsasaalaala sa dumapo sa kanila, at na ito ay mula kay Allāh!

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba