Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 126 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 126 sa 129 • Tagalog


أَوَلَا يَرَوْنَ أَنَّهُمْ يُفْتَنُونَ فِي كُلِّ عَامٍ مَرَّةً أَوْ مَرَّتَيْنِ ثُمَّ لَا يَتُوبُونَ وَلَا هُمْ يَذَّكَّرُونَ 126
Pagsasalin:
Hindi ba sila nakakikita na sila ay sinusubok sa bawat taon nang isang ulit o dalawang ulit, pagkatapos, hindi nagbabalik-loob, ni sila ay nagsasaalaala? At-Tawbah 9:126
Tafsīr:
Hindi ba tumitingin ang mga mapagpaimbabaw habang mga nagsasaalang-alang sa pagsubok ni Allāh sa kanila sa pamamagitan ng paglalantad sa kalagayan nila at pagbubunyag sa pagpapaimbabaw nila sa bawat taon nang isang ulit o dalawang ulit? Pagkatapos sa kabila ng pagkakaalam nila na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay ang tagagawa niyon sa kanila, hindi sila nagbabalik-loob sa Kanya mula sa kawalang-pananampalataya nila, hindi sila kumakalas sa pagpapaimbabaw nila ni sila ay nagsasaalaala sa dumapo sa kanila, at na ito ay mula kay Allāh!
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 125 Susunod At-Tawbah • Talata 127