Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 127 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 127 sa 129 • Tagalog


وَإِذَا مَا أُنْزِلَتْ سُورَةٌ نَظَرَ بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ هَلْ يَرَاكُمْ مِنْ أَحَدٍ ثُمَّ انْصَرَفُوا ۚ صَرَفَ اللَّهُ قُلُوبَهُمْ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَفْقَهُونَ 127
Pagsasalin:
Kapag may pinababa na isang kabanata [ng Qur’ān] ay tumitingin ang iba sa kanila sa iba, [na nagtatanong]: “May nakakikita kaya sa inyo na isa man?” pagkatapos lumilisan sila. Naglihis si Allāh sa mga puso nila dahil sila ay mga taong hindi umuunawa. At-Tawbah 9:127
Tafsīr:
Kapag nagpababa si Allāh ng isang kabanata sa Sugo Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na sa loob nito ay may pagbanggit sa mga kalagayan ng mga mapagpaimbabaw, tumitingin ang ilan sa mga mapagpaimbabaw sa iba, habang mga nagsasabi: "May nakakikita kaya sa inyo na isa man?" Kung hindi sila nakita ng isa man ay lumilisan sila palayo sa pagtitipon. Pansinin! Naglihis si Allāh sa mga puso nila palayo sa kapatnubayan at kabutihan at bumigo Siya sa kanila dahil sila ay mga taong hindi umiintindi.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 126 Susunod At-Tawbah • Talata 128