Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 127)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 127

وَإِذَا مَا أُنْزِلَتْ سُورَةٌ نَظَرَ بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ هَلْ يَرَاكُمْ مِنْ أَحَدٍ ثُمَّ انْصَرَفُوا ۚ صَرَفَ اللَّهُ قُلُوبَهُمْ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَفْقَهُونَ 127 ١٢٧

Kapag may pinababa na isang kabanata [ng Qur’ān] ay tumitingin ang iba sa kanila sa iba, [na nagtatanong]: “May nakakikita kaya sa inyo na isa man?” pagkatapos lumilisan sila. Naglihis si Allāh sa mga puso nila dahil sila ay mga taong hindi umuunawa. (127)

Tafsīr
Kapag nagpababa si Allāh ng isang kabanata sa Sugo Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na sa loob nito ay may pagbanggit sa mga kalagayan ng mga mapagpaimbabaw, tumitingin ang ilan sa mga mapagpaimbabaw sa iba, habang mga nagsasabi: "May nakakikita kaya sa inyo na isa man?" Kung hindi sila nakita ng isa man ay lumilisan sila palayo sa pagtitipon. Pansinin! Naglihis si Allāh sa mga puso nila palayo sa kapatnubayan at kabutihan at bumigo Siya sa kanila dahil sila ay mga taong hindi umiintindi.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba