Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung lumabag sila sa mga sinumpaan nila matapos na ng kasunduan sa kanila at tumuligsa sila sa relihiyon ninyo, makipaglaban kayo sa mga tagapanguna ng kawalang-pananampalataya – tunay na sila ay walang mga sinumpaang ukol sa kanila – nang sa gayon sila ay titigil [sa kawalang-pananampalataya]. (12)
Tafsīr
Kung sumira ang mga tagapagtambal na ito – na nakipagkasunduan kayo sa kanila sa pagtigil sa pakikipaglaban sa isang takdang yugto – sa mga kasunduan sa kanila at mga tipan sa kanila, namintas sila sa relihiyon ninyo, at nagmaliit sila rito, makipaglaban kayo sa kanila sapagkat sila ay mga pasimuno ng kawalang-pananampalataya at mga pinuno nito. Walang mga kasunduan sa kanila ni mga tipan na magliligtas sa mga buhay nila. Makipaglaban kayo sa kanila sa pag-asang tumigil sila sa kawalang-pananampalataya nila, sa pagsira nila sa mga tipan, at sa pagmamaliit nila sa Relihiyon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: