Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 15)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 15

وَيُذْهِبْ غَيْظَ قُلُوبِهِمْ ۗ وَيَتُوبُ اللَّهُ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ 15 ١٥

at mag-aalis Siya ng ngitngit sa mga puso nila. Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong. (15)

Tafsīr
Maglalayo Siya ng ngitngit sa mga puso ng mga lingkod Niyang mananampalataya dahil sa natamo nila na pagwawagi laban sa mga iyon. Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga nagmamatigas na ito kung nagbalik-loob sila, gaya ng naganap sa ilan sa mga mamamayan ng Makkah sa Araw ng Pagsakop. Si Allāh ay Maalam sa katapatan ng nagbabalik-loob kabilang sa kanila, Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba