Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 20)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 20

الَّذِينَ آمَنُوا وَهَاجَرُوا وَجَاهَدُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ أَعْظَمُ دَرَجَةً عِنْدَ اللَّهِ ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَائِزُونَ 20 ٢٠

Ang mga sumampalataya, lumikas, at nakibaka ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila ay higit na dakila sa antas sa ganang kay Allāh. Ang mga iyon ay ang mga magtatamo. (20)

Tafsīr
Ang mga nagsama sa pananampalataya kay Allāh, paglikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya patungo sa bayan ng Islām, at pakikibaka ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman at mga sarili ay higit na dakila sa antas sa ganang kay Allāh kaysa sa iba pa sa kanila. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga magkakamit ng Paraiso.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba